NAKATANGGAP ng tseke bilang ayuda ang 10 dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA), mula sa programang Enhanced Comprehensive Local
Integration (E-Clip) sa isinagawang awarding ceremony ng mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga, Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA).
Sa nasabing seremonya, nakatanggap ng tig-P65,000 ang bawat dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at tig-P15,000 ang nakuha ng dating mga kasapi ng Militia ng Bayan (MB) kasama ang livelihood assistance mula sa gobyerno bilang tulong sa kanilang pagbabagong buhay.
Kasama sa benepisyo ang medical assistance, loan at market access, legal at educational assistance at maaari rin maging emisaryo sa mga usaping may kaugnayan sa kapayapaan.
Ang E-Clip ay programa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at OPAPP na layuning makapagbigay ng tulong sa mga nagbabalik loob sa gobyernong dating mga rebeldeng NPA, MB at NDF upang makapamuhay nang mapayapa. (RAUL SUSCANO)