Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ordinaryong manggagawa, empleyado at mamamayan na kailangan nang pumasok, kalbaryo ang inabot sa GCQ

SA UNANG araw ng general community quarantine  (GCQ) naging tampok ang mga hinaing ng mga manggagawa na naghintay nang matagal sa libreng sakay (pero walang dumating) o pampasaherong sasakyan, mahabang pila sa sakayan, mahabang lakaran, mahabang pila sa Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), at pagkatapos nang halos tatlong oras na hintay-lakad- pila-sakay, late pa rin sila pagdating sa trabaho.

Pero natuwa sila dahil maluwag ang loob ng LRT/MRT, dahil nga sa social & physical distancing na halos isang metro ang layo ng mga pasahero.

Pero hindi ganito ang kapalaran ng mas maraming manggagawa at empleyado na bumalik sa kanilang mga trabaho kahapon.

Mas marami sa kanila ang naglakad, patungo sa trabaho at pauwi sa kanilang bahay.

Mayroong ilang Good Samaritan ang nagpaangkas pero siyempre limitado dahil nga sa pagsunod  sa social/physical distancing.

Kung tutuusin, ang paglalakad ay isang magandang exercise pero magtatrabaho nga ‘yung mga tao, paano ‘yan pagdating sa opisina o pabrika, ubos na ang energy nila. Late na nga, hindi pa makapagtrabaho nang maayos dahil sa sobrang pagod.

Bakit nga kasi hindi payagan ang angkasan ng mag-asawa sa motorsiklo o magkapatid gayong galing naman sila sa iisang bahay?

Mayroon namang precautions kung paano poproteksiyonan ang kanilang mga sarili, ‘di ba?

Puwede raw mag-angkas kung may kabit.

Kabit na sidecar sa motorsiklo na parang tricycle. Papayagan ba ng mga awtoridad ang tricycle sa EDSA o sa mga highway?!

Talagang nag-uumpugan ang mga polisiya at patakaran ng mga awtoridad sa kanilang sinasabi sa publiko.

Ano ba talaga ang totoo?! 

Kunsabagay, kung noong wala ngang COVID-19, kawawa na ang public commuters dahil sa bulok na sistema ng public at mass transportation, ngayon pa kaya?

Sana naman ay makahanap ng maayos na solusyon ang IATF-EID, para hindi naman magkasakit at humina ang resistensiya ng mga empleyado at manggagawa na malaki ang kontribusyon sa pagpapaikot ng ating ekonomiya.

Pahalagahan natin sila lalo na ngayong may malaking pandemya ng kalusugan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *