Saturday , November 16 2024
dead gun police

Kelot todas sa boga ng notoryus na tulak  

PATAY ang isang lalaki makaraang makipagkita sa kanyang kaibigan at pagbabarilin ng isang hinihinalang drug personality sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ang biktimang si Joben Ortega, 29 anyos, residente sa Gozon Compound, Phase 5, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala sa katawan.

 

Pinaghahanap ang suspek na mabilis na tumakas na kinilalang si Robert Andilab, nasa hustong gulang, residente sa Phase 2 Lupa, Gozon Compound.

 

Batay sa pinagsamang ulat nina P/MSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, dakong 3:35 am nang maganap ang insidente sa Gozon Compound.

 

Naglalakad ang biktima sa nasabing lugar para makipagkita sa kaibigan na isang alyas Titang nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang suspek at dalawang ulit siyang pinaputukan na tumama sa katawan.

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, ang insidente ay nasaksihan nina Renante Alvarez, 45 anyos, at Jeramie Redira, 34 anyos, kapwa pedicab drivers ng Gozon Compound, at kinilala si Andilab na nag-iisang gunman na pumatay sa biktima.

 

Patuloy ang follow-up operation ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 8 sa pangunguna ni P/Capt. Carlos Cosme, Jr., upang maaresto ang suspek na kilala umanong tulak ng shabu. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *