SA Facebook Live ni Kris Aquino last Mother’s Day na handog niya sa lahat ng mga nanay sa buong
mundo. Isa sa naging guests ni Kris ang komedyanteng si Empoy na kanyang pinuri sa pagiging down to earth kahit malaki na rin ang pangalan sa showbiz ay nananatiling humble.
Isa sa interesting questions na ibinato ni Kris kay Empoy ang lovelife niya na sagot ng comedian
ay zero raw pero masaya naman daw siya at kasama niya sa bahay ang mga pamangking kanyang pinag-
aaral. Kinulit-kulit siya (Empoy) ni Kris kung sino ang crush niyang female celebrity?
Nahihiyang sagot ni Empoy, may asawa na raw ‘yung crush niyang artista na hawig sa kanyang ex-girlfriend noong high school days.
Nang tanungin uli siya ni Kris kung sino ang nasbaing crush niya, si Kaye Abad raw na kasal
na nga at may anak sa young businessman na si Jake Castillo na produkto ng Pinoy Big Brother.
Say ni Kristeta, wala naman daw masama at crush lang naman ni Empoy si Kaye at hindi naman daw niya aagawan si Jake.
Oo nga naman!
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma