KILALANG prangka si John Rendez, kapag may gusto itong sabihin na pakiramdam niya ay nasa tama
siya ay hindi siya nangingiming magbigay ng kanyang opinyon sa kanyang social media account.
Sobrang bored na rin ang singer, sa tagal ng lockdown at isa sa kanyang pinaglilibangan ay mag-
Facebook live at minsan ay extra pa ang kasama niya sa condo sa Eastwood, Libis, Quezon City na si Nora Aunor.
Pati ‘yung pagtatrabaho sa condo ni Ate Guy ay kinukunan ni John at ang dami agad ang nagla-like at nagko-comment.
Samantala kahapon ay reklamo naman ni John sa mataas na bill ng koryente nila ni Ate Guy, dati raw ay nasa P13K lang ang binayaran nila sa Meralco ngayon ay nasa P15K na.
Paano raw ‘yung mga nawalan ng trabaho, paano sila makapagbabayad? Nakaaaliw panoorin ang nasabing singer lalo na sa favorite dialogue nitong “E, di wow.”
By the way, maganda ang daughter ni John na nasa poder ng kanyang pamilya.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma