Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC Garcia at Susan Ramsey magsasama sa internet radio show sa San Franciso (Pag-uwi ng singer sa bansa ‘di natuloy dahil sa COVID-19 pandemic)

Supposedly ay sa September uli ang balik ng recording artist-dancer na si JC Garcia sa Filipinas pero dahil sa sitwasyon ngayon sa bansa ay mukhang malabo na siyang makauuwi. Nakaplano na sana ‘yung gagawin niyang solo concert sa magandang venue at excited pa naman si JC na makapag-perform sa sarili niyang bansa. ‘Yung malaking offer sa kanya sa ilang series of shows sa iba’t ibang bansa kasama ang sikat na banda ay saka na matutuloy kapag maayos na ang lahat. Mabuti na lang at hardworking si JC kaya mabubuhay siya kahit walang show, pero siyempre nami-miss niya ito at

alam niyang makagagawa pa rin siya this year ng concert na miss na rin ng lahat ng supporters.

Kasama rin sa pagkakaabalahan niya ang internet radio show na pagsasamahan nila ni Susan Ramsey na daughter ng yumaong si Elizabeth Ramsey at isang solo niya na “It’s Showtime” sa bagong tahanang radio station sa San Francisco na Fil-AM Newspaper.

‘Yung reklamo naman ng international recording artist sa taong nanloko sa kanya ng malaking halaga ay sinulatan na ng Mayora ng Bacoor na si Lani Mercado. Wala pa raw sagot pero magpa-follow-up raw siya kay Lani, para mahuli na at hindi na makapanloko ng iba ang Van Richi de Leon at ang sister nito na si Cristy de Leon.

May connect pala si JC kay Lani dahil inaanak siya sa binyag ni dating senador Ramon Revilla, Sr. Kaibigang matalik ng kanyang ama na bida-character actor noong dekada 60s-80s na si Bino Garcia.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …