NASA 41 katao ang naitalang tinamaan ng coronavirus 2019 (COVID-19) sa lungsod ng San Juan hanggang kamakalawa ng umaga, 22 Marso.
Sa datos ng lokal na pamahalaan, pinakamaraming naitala sa Bgy. Greenhills at Bgy. West Crame dahilan para ikonsidera ang dalawang barangay bilang ‘hotspots.’
Sa listahan ng local health office nabatid ang bilang sa Barangay Balong-Bato – 1; Barangay Corazon de Jesus – 2; Barangay Greenhills – 14; Barangay Kabayanan – 1; Barangay Little Baguio – 2; Barangay Maytunas – 2; Barangay Pasadeña – 1; Rivera – 1; Salapan – 1; San Perfecto – 1; St. Joseph – 1; Sta. Lucia – 2; at West Crame – 11.
Samantala, nasa 85 ang persons under investigation (PUIs) at 145 ang persons under monitoring (PUMs) sa lungsod.
Sinabi ng pamahalaang lungsod ng San Juan, siyam ang sumasailalim sa home quarantine, 21 ang naka-confine sa iba’t ibang ospital, habang pito ang na-discharge na.
Patuloy nilang tinututukan ang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod. (EDWIN MORENO)