NAGDESISYON ang maraming Bulakenyong magpunta sa mga kabundukan na malayo sa Metro Manila matapos ideklara ang ‘lockdown’ sa kabiserang rehiyon.
Karamihan sa kanila ay umakyat sa bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad sa lalawigan ng Bulacan, na may simple at maaliwalas na kapaligiran, upang doon magpalipas ng araw habang may lockdown upang makaiwas coronavirus o COVID-19 na patuloy na kumakalat sa bansa.
Sa ngayon, marami ang pansamantalang nagsasara ng negosyo upang iwsan ang COVID-19 at manatili sa kanilang mga bahay o sa kabundukan na malayo sa lungsod.
Tanging makikitang bukas ay mga pharmacy at supermarket na nagbebenta ng face masks, alcohol at iba pang gamot kontra COVID-19.
Ipinagbabawal na rin sa publiko ang pagpasok sa mga simbahan para dumalo sa misa para maiwasan ang pagtitipon-tipon ng mga tao.
Dahil sa haba ng pila sa mga pamilihan at supermarkets ay napipilitan silang bumili ng kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng online shopping.
(MICKA BAUTISTA)