Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dahil sa banta ng COVID-19… Religious pilgrimage sa Bulacan pansamantalang ipasasara

BALAK ng local govern­ment ng lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan na pansa­manta­lang ipasara ang mga religious pilgrimage place sa lungsod dahil sa banta ng COVID-19.

Ilan sa mga simbahan sa naturang lungsod ang madalas na binibisita ng mga deboto tuwing Mahal na Araw.

Ayon kay SJDM City Mayor Arthur Robes, kabilang sa ipasasara muna ang Padre Pio Mountain of Healing na matatagpuan sa Bgy. Paradise 3 na araw-araw na dinarayo ng daan-daang deboto dahil sa sinasabing isang mapaghimalang lugar.

Nais din ni Robes na ipasara pansamantala ang Our Lady of Lourdes Grotto na matatagpuan sa Sta. Maria-Tungkong Mang­ga Road ngunit ipagpa­paalam pa nila ito sa mga kinauukulan dahil hindi ito sakop ng pamamahala ng Diocese of Malolos.

Kinompirma rin ng alkalde na nakapagsimba sa dalawang simbahan sa lungsod si PH21, ang unang biktima ng COVID-19 sa SJDM City kaya binaba­likan nila upang malaman kung kailan at kung sino ang mga nakahalubilo.

Ayon sa alkalde, lilimi­tahan na rin nila ang misa sa mga simbahan upang maiwasan ang mara­mihang pagtitipon ng mga tao.

Kasama ang pagdiri­wang ng Banal na Misa sa ipinagbawal ayon sa ilalim ng Code Red Sublevel 2, batay sa pahayag ni Health Secretary Francisco Duque.

(MICKA BAUTISTA)

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …