Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Dibdib’ ng coed dinakma kelot himas-rehas sa oblo (Sa loob ng pampasaherong jeepney)

NADAKIP ang isang 24-anyos lalaki na inireklamong nanghipo ng dibdib ng 21-anyos dalagang estudyante sa loob ng isang pampa­saherong jeep noong Biyer­nes ng hapon, 21 Pebrero, sa lungsod ng Marikina.

Kinilala ng pulisya ang arestadong suspek na si Elijio Rosario, 24 anyos, walang trabaho, habang itinago sa pangalang ‘Lorna’ ang biktima, isang part time student.

Ayon sa mga awtoridad, dakong 4:00 pm noong Biyernes, kapwa sakay ang biktima at suspek sa isang pampasaherong dyip nang biglang manggigil ang suspek saka nilamas ang dibdib ng dalaga sa bahagi ng flyover sa Marcos Highway.

Dahil sa takot, hindi pumalag ang biktima na inakala ng manyakis na pumapayag sa pangma­manyak na kanyang ginawa.

Pagsapit sa Cubao area, bumaba ang suspek at nag-‘goodbye kiss’ pa umano sa biktima.

Lingid sa kaniyang kaalaman, sinundan siya ng dalaga at nang makakuha ng tiyempo nagsisigaw ito at humingi ng saklolo.

Agad na dinakip ng security guard na si Fruc­toso Heronan ang suspek nang dumaan sa tapat niya saka dinala sa Cubao Police Station (PS7) ng Quezon City Police District (QCPD).

Ilang saglit pa’y dinala ang suspek sa Women’s Desk ng Marikina PNP na may hurisdiksiyon sa kaso.

Nakapiit na ang suspek sa detention cell at nahaharap sa kasong act of lasciviousness.

(EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …