Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNP official nabiktima ng ‘basag-kotse’ sa Marikina

TINANGAY ang passport at dalawang mamahaling mobile phone ng isang mataas na opisyal ng PNP-PRO-4A ng kilabot na ‘basag-kotse’ habang nakaparada sa lungsod ng Marikina, nitong Miyerkoles ng umaga, 19 Pebrero.

Kinilala ang opisyal ng pulisya na si P/Col. Roland Bulalacao na nakatalaga sa Calabarzon.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, dakong 11:00 am kamakalawa nangyari ang insidente hindi kalayuan sa PNP Headquarters sa G. Fernando Ave., kanto ng Lark St., Barangay Sta. Elena, sa naturang lungsod.

Nabatid na nakatakas ang dalawang suspek sakay ng Yamaha Mio motorcycle tangay ang mobile phones ng biktima at passport na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) nang mam­ataan ang mga awtoridad na nagpapatrolya sa lugar.

Nagsasagawa ng manhunt operation ang Marikina PNP at nirerebisa na rin ang CCTV camera sa lugar upang matukoy at maaresto ang mga suspek na kumulimbat sa gamit ng opisyal. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …