Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayver, makiki-Pasko sa pamilya ni Janine sa US

KASAMA si Rayver Cruz sa bakasyon ng pamilya Gutierrez sa Amerika na roon sila magpa-Paskong lahat.

Nalaman namin na pagkatapos ng kasal nina Lotlot De Leon at Fadi El Soury, naghahanda naman sila patungong Amerika kasama sina Janine at mga kaibigan. Balita namin ay lilipad ding pa-US sina Ramon Christopher kasama ang mga anak.

Tsika sa amin ng malapit sa pamilya Gutierrez, isinama ni Janine si Rayver para makasama nila sa Pasko, White Christmas ‘ika nga.

Wala namang problema sa pamilya Gutierrez si Rayver dahil sobrang botong-boto sa kanya ang lahat pati si Ms. Pilita Corrales na lola ni Janine na gustong-gusto ang aktor dahil nakilala siya noong bata pa.

“Hindi na rin naman kasi iba si Rayver sa pamilya nina Lotlot, sa katunayan love na love ni Lot si Rayver lahat ng family events nandoon si Rayver.”

At si Rayver din ang tumayong bestman sa nakaraang kasal dahil ang kapatid ni Fadi ay hindi nakarating.

Ang nakatatawa, sabi nina Rayver at Janine, hindi sila magdyowa, bestfriends lang daw.

Okay fine!

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …