Saturday , November 27 2021
Rayver Cruz Claire Castro
Rayver Cruz Claire Castro

Rayver mas naka-bond si Claire sa lock-in taping

TINANONG namin si Rayver Cruz, kapag bumalik na sa normal ang lahat at natapos na ang pandemya ng COVID-19, pabor ba siya na ituloy ang lock-in/bubble taping? O gusto niyang ibalik sa dati ang proseso ng trabaho?

“Well, part of me, to be honest, nami-miss ko rin ‘yung dati, kasi siyempre nakaka-miss din naman ‘yung dati na after mong magtrabaho uuwi ka, hihiga ka sa sarili mong kama and makikita mo ‘yung mga tao sa bahay, makaka-chill ka ng kaunti sa bahay mo bago matulog, tapos the next day ‘yung taping.

“Pero para sa akin din kasi kung ito ‘yung kailangan para lang mas safe ‘yung lahat and mapabilis tayong makabalik sa normal, go rin ako sa ganitong sitwasyon, kasi may perks din, eh.

“For me parang mas nagiging pamilya mo talaga ‘yung kasama mo rito eh, mas nagiging close kayo, mas nagiging smooth sailing ang lahat, kasi paggising mo nandiyan na siya, ‘pag rest bday mo nakakausap mo siya, nakakapag-bond kayo.

“Like kami ni Claire, kasi hindi rin naman biro ‘yung mga eksena namin ni Claire, malaking bagay for me na nakakausap ko siya, lagi ko siyang nakikita everyday, so mas naging madali for me. 

“Iba rin ‘yung naging perks ng nagkasama kayo sa bubble eh, iba ‘yung camaraderie na nafo-form, sa lahat ng group, hindi lang sa mga artista.”

Sa Nagbabagang Luha ay gumaganap si Rayver bilang si Alex, si Glaiza de Castro bilang si Maita, si Mike Tan bilang  si Bien, si Claire Castro bilang si Cielo, at sina Gina Alajar bilang Calida, Allan Paule bilang Paeng, Myrtle Sarrosa bilang Judy, Royce Cabrera bilang Sherwin, Archi Adamos bilang Levi, Karenina Haniel bilang Monina, Bryan Benedict, at Ralph Noriega.

(ROMMEL GONZALES)

About Rommel Gonzales

Check Also

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Leave a Reply