Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Maine Mendoza
Coco Martin Maine Mendoza

Coco, pinuri ang walang kaartehan ni Maine

SOBRA ang pagpa­pa­-salamat ni Coco Martin sa ABS-CBN dahil pinayagan siyang makatrabaho ang mga taga-Kapuso Network tulad ni Vic Sotto na pangarap nitong makasama noon pa sa isang pelikula.

Kaya naman, nang bigyan siya ng go-signal ng Dos ay siya mismo ang nakipagtrabaho kina Vic at Mr. Tony Tuviera ngAPT Entertainment Inc.. Masaya siya na makakatrabo ang mga ito dahil ang pagturing nila sa mga katrabaho ay kapamilya. Inamin nito na unang araw pa lang ay nagulat siya dahil maalaga ang dalawa.

Kaya wish pa ni Coco na muli silang magkasama nina Maine at Vic sa iba pang proyekto, kundi man sa part two ng pelikulang Jack Em Popoy.

Inamin din ni Coco na may nagugustuhan siya kay Maine at ito ang walang kaartehan sa katawan. Very professional ito kaya noong unang salang nila sa eksena ay hindi siya nakaramdam ng pagka-ilang sa aktres.

Kuwento ni Coco, mayroon silang intimate scene ni Maine sa ilang eksena lalo roon sa action scenes na nagkakadikit ang kanilang katawan pero hindi nai-intimadate ito. Isa pa sa nagustuhan nito sa kanyang leading lady ay natural ang pagiging komedyante. Magaling ito sa kanyang comic timing at siya na ang gumagawa niyon.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …