Friday , July 26 2024
Maine Mendoza, Arjo Atayde
Maine Mendoza, Arjo Atayde

Maine ipinagtanggol si Arjo

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ISINI-SHARE ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram story ang official statement ng Feelmaking Production tungkol sa pag-positibo ng boyfriend niyang si Arjo Atayde ng COVID-19 na kaagad bumaba ng Maynila para dumiretso sa ospital.

May ilang komento mula sa netizens na hindi tama ang ginawa ng aktor na iniwan ang mga kasama niya sa Baguio City base sa panayam kay Mayor Benjamin Magalong.

Nasambit pang tinolerate ni Maine ang ginawa ng katipan.


Sumagot ang #MaineGoals host, “Hello! I am not ‘tolerating’ him but there’s just so much you do not know about the story.”

Nabanggit pa na maipagtatanggol ni Arjo ang sarili sa tamang panahon.

Samantala, habang isinusulat namin ang balitang ito ay nakababa na ang buong staff and crew ng Feelmaking Productions at kasalukuyan silang nasa hotel quarantine.

Stress pagoda ng dulot ng paghina ng immune system marahil ni Arjo dahil na rin sa papalit-palit na klima sa Baguio.

Good thing bakunado na siya kaya hindi severe ang kalagayan niya ngayon tulad ng nangyari sa iba na hindi pa bakunado.

Agarang paggaling ang hangad ng HATAW sa iyo Arjo.

About Reggee Bonoan

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *