HINDI lang sa Mega Manila malakas ang “Three Words To Forever” kundi sa Visayas at Mindanao. Maging
sa Ormoc ay sinuportahan ng kaniyang constituents ang comeback movie ng kanilang Mayor na si Richard Gomez. Majority kasi ng mga eksena ng nasabing movie ay sa Ormoc kinunan kaya marami ang nagkainteres na panoorin ang family drama movie na pinagbibidahan din nina Sharon Cuneta at Kathryn Bernardo.
At bukod sa P6.5 milyones ang kinita ng Three Words To Forever sa first day of showing ay kaliwa’t kanan ang block screening sa movie at may ilang naka-schedule na international screening ito.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma