INILIPAT ng puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating LTFRB spokesperson Aileen Lizada.
Sa inilabas na appointment paper ng Palasyo, itinalaga ni Pangulong Duterte si Lizada bilang commissioner ng Civil Service Commission (CSC).
Si Lizada ay magsisilbing commissioner ng CSC, na may terminong magtatagal hanggang 2 Pebrero 2025, kapalit ni Robert Martinez.
Matatandaan, nagbitiw bilang tagapagsalita ng LTFRB si Lizada dahil sa umano’y hindi nila pagkakasundo o pagkakaroon nila ng magkaibang opinyon ni LTFRB chairman Martin Delgra.
Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Duterte bilang undersecretary ng Department of Agriculture si Waldo Reyes Carpio, bayaw ni Davao City Mayor Sara Duterte at kapatid ng mister niyang si Atty. Mans Carpio.
Habang itinalaga ng Pangulo bilang ambassador extraordinary and plenipotentiary for the Republic of Chile si Teresita Cruz Daza.
(ROSE NOVENARIO)