Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jameson Blake Julia Barretto Joshua Garcia Joshlia
Jameson Blake Julia Barretto Joshua Garcia Joshlia

Julia, inagaw ni Jameson kay Joshua 

SINA Jameson Blake at Julia Barretto na ba ang bagong loveteam?

Sa takbo kasi ng kuwento ng Ngayon at Kailanman ay tila parami nang parami ang exposure ni Jameson kompara sa mga nakalipas na episodes at bukod dito ay nabago ang karakter niya na naging pursigido na para mapasagot si Julia na rati naman ay lumalampas lang sa kanya ang dalaga.

Tsika sa amin ng taga-Dos, ”Obviously, sina Joshua at Julia naman talaga ang loveteam on and off-cam, pero since maraming followers din ang Julia at Jameson kaya bini-build up ang loveteam nila. 

“Kung mababasa mo ‘yung mga comment sa iWant maraming may gusto rin kay Jameson for Julia.

“At maganda ‘yun kasi ‘yung love triangle nila ang inaabangan talaga sa ‘Ngayon at Kailanman,’ nakatatawa nga, may team Josh at team Jameson na.”

Opps, huwag mabahala ang JoshLia supporters dahil hindi naman aagawin ni Jameson sa tunay na buhay si Julia kay Joshua.

Samantala, sa kuwento ng NaK, matuloy kayang makuha ni Elisse Joson (Roxanne) ang kayamanan ng Cortes na utos ni Stella (Alice Dixson). Nagpanggap kasi ang dalaga na siya ang nawawalang anak ni Rebecca (Iza Calzado) at tagapagmana ng mga Cortes.

Abangan ngayong Lunes kung matutuloy ang planong ipahuhukay ni Doña Carmen (Rosemarie Gil) ang katawan ni Rodrigo (TJ Trinidad) para sa DNA testing nila ng nagpapanggap niyang anak na si Roxanne.

Inayunan naman ni Stella ang plano ng biyenan kasi nga ito naman talaga ang gusto niya na mapaniwalang si Roxanne ang nag-iisang tagapagmana ni Rodrigo para makuha niya ang kayamanan ng Cortes at pagkatapos ay at saka niya ipaliligpit.

Mapapanood ang Ngayon at Kailanman pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano at sa iWant.ph anumang oras ng libre.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Sharon, magpapabuntis muli (‘pag ‘di pa nag-asawa si KC)

Sharon, magpapabuntis muli (‘pag ‘di pa nag-asawa si KC)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …