GUSTO natin ‘yung sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nandoon siya sa Cavite.
Ayaw niya ‘yung iniimbita siya pagkatapos ay bibigyan siya ng award o plaque.
Hindi raw dapat ginagawa ‘yun.
Hehehe!
Oo nga naman. Ano ba ang palagay ninyo sa Pangulo, mabobola ninyo sa ganyang estilo?!
Kung sa bagay, usong-uso ngayon ‘yan. Kahit hindi naman sila award giving body e namimigay ng ‘plaque of recognition.’
E matagal nang kinilala si Pangulong Digong. Kaya nga ibinoto siya ng 16 milyong Filipino, dahil bumilib sa galing niya.
Sana, ganyan din ang maging asal ng iba pang opisyal ng Duterte administration lalo na ‘yung mga itinalaga niya.
‘Yun bang tipong kulang na kulang sa recognition noong panahon ng kanilang kabataan kaya ang ginagawa ngayon ay gumagawa ng sariling ‘award’ para sa sarili nila, gamit ang iba’t ibang uri ng organisasyon?!
Yucky!
Konting delicadeza naman diyan!
Alam n’yo naman na ‘raket’ lang ‘yan ng ibang organisasyon, e nagpapauto naman kayo…
Kung alam ninyong walang dahilan para bigyan kayo ng award, umiwas kayo at huwag tanggapin.
Tsk tsk tsk…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap