Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Dingdong Dantes
Coco Martin Dingdong Dantes

Coco, 3 beses nang tinapatan (pero ‘di matalo-talo) ni Dingdong

SA showbiz events na dinaluhan namin nitong nakaraang araw ay pinag-uusapan ng mga katoto ang pagtatapos ng Victor Magtanggol at ang ipapalit na Cain at Abel dahil pang 16th show na ito ng GMA 7 na itatapat nila kay Cardo Dalisay ng FPJ’s Ang Probinsyano.

In fairness, pinupuri naman ng mga taga-GMA ang programa ni Coco Martin, ‘yun nga lang halos iisa ang tanong, ‘hanggang kailan ba Ang Probinsyano?’

Tulad ng isinulat din namin dito sa Hataw kahapon ay walang nakaaalam kung hanggang kailan ito eere dahil mismong direktor ng programa ay wala ring alam.

Marami pang napag-usapan ang mga katoto at dito kami natawa, ‘pangatlong show na ni Dingdong (Dantes) ‘tong Cain at Abel na itatapat kay Coco. Nauna ‘yung Alyas Robinhood, ‘di ba?’

Sabi namin, eh, wala namang masama kung i-try ng i-try until he succeeds ‘di ba, that’s the reality of life.

Pero oo nga, hanggang kailan nga ba ang FPJ’s Ang Probinsyano? Tama nga siguro ang sabi ng nakararami, may anting-anting si Coco, ha, ha, ha.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Sex, kaswal lang pag-usapan nina JM at Rhian

Sex, kaswal lang pag-usapan nina JM at Rhian

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …