PINANGUNAHAN ni dating Special Assistant to the People SAP Christopher “Bong” Go ang paglulunsad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDT) sa Davao City, kamakalawa.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Go ang mga mag-aaral sa high school mula sa pribado at pampublikong paaralan na iwasan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot dahil walang kabutihang maidudulot ito sa buhay at sisirain lamang ang utak ng tao.
Hinimok niya ang mga estudyante na maglaro ng basketball kaysa magdroga.
Upang matulungan aniya ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs, ay mag-iikot siya sa buong bansa upang hikayatin ang publiko na maglaro ng basketball imbes mag-droga.
Sa naturang pagtitipon, hiningi ni Go ang suporta ng mga kabataan sa kampanya ng Pangulo laban sa illegal drugs at ipinatutupad na batas militar sa Mindanao laban sa terorismo.
Sa ngayon, ayon kay Go, nagsusumikap ang pamahalaan na maibangon muli ang Marawi at maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente. (ROSE NOVENARIO)