BUKOD sa linisin sa korupsiyon ang Bureau of Customs (BoC), iniutos ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Customs chief Rey Leonardo Guerrero na kumolekta ng P55 bilyones kada buwan.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang direktiba kay Guerrero ni Dominguez ay iniutos ng Kalihim nang sila’y magpulong noong nakaraang Miyerkoles.
Samantala, no comment muna ang Palasyo sa mungkahi ni Senate President Tito Sotto na isapribado ang BoC at nakahandang mag- draft ng bill tungkol dito.
Ayon kay Panelo, ito ay posibleng mabuksan sa nakatakdang cabinet meeting kagabi.
ni ROSE NOVENARIO