Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ngayon lang ako nakatikim ng engrandeng birthday at pa-cater — Joshua

BONGGANG-BONGGA ang katatapos na 21st birthday ni Joshua Garcia handog ng kanyang fans, ang Tropang Joshua Official na isinagawa sa Fernwood Garden noong Linggo, November 4 na may temang Mafia.

Joshua Garcia Julia Barretto Joshlia
Joshua Garcia Julia Barretto Joshlia
Joshua Garcia with his father
Joshua Garcia with his father

Bukod sa mga miyembro ng Tropang Joshua na mayroon pang nanggaling sa ibang bansa, Cebu, at iba pang lugar, inanyayahan din nila ang pamilya at kamag-anak ng actor gayundin ang reel at real loveteam nitong si Julia Barretto.

Mabunyi ang debut ni Joshua na pinagkaabalahang ayusin ng ilang buwan, simula pa noong Marso, ng admin ng Tropang Joshua na si Bea Gonida katulong si Mheck Gonzales at iba pang kagrupo nito. Mayroong 21 roses, 21 treasures, at 21 wines si Joshua.

Joshua Garcia LED cake
Ang P35-K na LED cake

Sa aming pagtatala, gumastos ang fans, ayaw nilang sabihin talaga kung magkano, ng P600-M na bukod sa masasarap na pagkain at inumin, nakatawag pansin din ang LED cake na nagkakahalaga ng P35k.

Lahat naman ng dumalo ay nasiyahan lalo na si Joshua na sobra-sobra ang pasasalamat sa Tropang Joshua dahil ipinakita talaga ng mga ito kung gaano siya kamahal ng mga ito.

Ani Joshua sa kanyang speech, “Ngayon lang ako nakaranasan ng ganitong engrandeng party na may pa-cater pa. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal.”

Nasabi ito ng actor dahil simple lang naman ang buhay niya sa Batangas bago pumasok ng showbiz.

Masayang-masaya at halos maiyak din ang admin ng Tropang Joshua na si Bea dahil sa matagumpay na party.

Nakisaya rin si Julia sa birthday party na game na game makihalubilo sa kanilang fans. Anang aktres sa kanyang message sa aktor, “Belated, belated Happy birthday. Ano pa ba ang hindi ko nasasabi ko sa kanya? Ha ha ha. I’m so proud of the man who have blossomed to be. I’m so proud of the son that you are, the partner that you are, the idol that you are, you’re such a good model, a good influence…you we’re a gift to me and I love you and you are my one and only love.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Regine, 50 songs ang pag-aaralan para sa 3 gabing concert

Regine, 50 songs ang pag-aaralan para sa 3 gabing concert

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …