Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elmo Magalona Janella Salvador Marco Gumabao
Elmo Magalona Janella Salvador Marco Gumabao

Marco Gumabao, ipinalit ni Janella kay Elmo?

BUWAG na ba talaga ang ElNella?  Bukod kasi sa nagsalita na si Janella Salvador na magpo-focus na siya sa sarili niya pagkalipas ng dalawang taon nila ni Elmo Magalona ay may sitsit sa amin na hindi na ang aktor ang makakasama ng aktres sa bago nitong movie project under Regal Entertainment.

Si Marco Gumabao ba ang kapalit ni Elmo sa puso ni Janella?

Namataan daw kasi sina Marco at Janella sa isang bar sa The Fort nitong Biyernes, Oktubre 26 na nakunan sila ng litratong nakapatong ang kaliwang kamay ng binata sa lap ng dalaga sabay hawak at nagbubulungan. Hindi raw ito gawain ng magkaibigan lang o barkada.

Nagtanong kami sa kampo ni Janella, pero hindi kami sinagot tungkol sa isyung magkasama sila ni Marco sa bar.

Isa si Janella sa special guest ni Marlo Mortel sa concert nitong ImMORTALIZE na ginanap sa Music Museum nitong Biyernes at ibig sabihin pagkatapos ng show ay nagkita na sila ni Marco?

Wala kaming alam na may project sina Janella at Marco at imposibleng ipapasok ang dalaga sa Los Bastardos dahil kompleto na ng leading ladies ang mga Bastardos na sina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Joshua Colet, at Albie Casino.

O baka nga si si Marco na ang bagong ka-loveteam ni Janella?

Habang tinatapos namin ang balitang ito ay hindi na kami binalikan pa ng kampo ni Janella.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …