MASUWERTE ang Viva artist na si Nadine Lustre dahil among female young stars today ay ito ang pinaka-mabentang kinukuhang endorser ng mga international brand, mula sa shampoo hangang make-up.
In na in nga ang kanyang Pinay beauty sa mga dayuhan kaya naman kaliwa’t kanan ang kumukuha sa kanya para maging mukha ng kani-kanilang mga produkto.
At maging sa bansa nga ay isa si Nadine sa pinakamaraming endorsement kahit marami ang pumupuna sa kanyang pagiging daring pagdating sa kasuotan at sa mga pictorial na ipino-post sa kanyang social media accounts.
Pero hindi maitatago na kahit ano pang paninira o pamba-bash na gawin kay Nadine, nananatiling mabenta ang mga produktong kanyang hinahawakan at ineendoso.
MATABIL
ni John Fontanilla