Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 pulis patay, 3 sugatan sa ambush sa CamSur (Escort security ni FDA Director General Puno)

Hataw Frontpage 3 pulis patay, 3 sugatan sa ambush sa CamSur (Escort security ni FDA Director General Puno)
Hataw Frontpage 3 pulis patay, 3 sugatan sa ambush sa CamSur (Escort security ni FDA Director General Puno)

PATAY ang tatlong pulis habang tatlo ang sugatan makaraan tamba­ngan ang dalawang patrol vehicles ng pulisya na bahagi ng escort security ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Nela Puno sa Lupi, Camarines Sur, nitong Huwe­bes.

Sa pinangyarihan ng krimen ay makikitang basag ang mga salamin at sabog ang dalawang gulong ng patrol car ng Camarines Sur police.

Kinilala ang mga napaslang na sina SPO1 Percival Rafael, PO3 Carlito Navarroza, at PO1 Ralph Jason Vida.

Habang ang mga sugatan ay sina PO1 Jonathan Perillo, Ruby Buena, at Rodolfo Gon­zaga na agad isinugod sa Bicol Medical Center.

Ayon sa ulat, nasa Brgy. Napolidan ang mga sasakyan at papunta sa Daet nang paulanan ng bala bandang 9:10 ng umaga.

Makaraan pagbaba­rilin ay tinangay ng gun­men ang M-14 service firearm ng isa sa mga napatay na pulis.

Ayon sa hepe ng Lupi, Camarines Sur police, mga rebelde ang tingin nilang utak ng krimen.

“Kalaban natin sa kabila ang mga ito. [Nagkalat] na naman sila ng kanilang karahasan. Ina-ambush ‘yung tropa natin… Hindi po pinalad ‘yung tropa ko, pero nakipagbakbakan sila,” ani S/Insp. Rommel San Andres.

Ilang metro mula sa ambush site, narekober ang hindi sumabog na improvised explosive device (IED) at mga gamit ng mga hinihi­nalang rebelde.

Ligtas na nakapunta ng Daet si Puno.

Tumutulong na ang militar sa pagtugis sa mga sinabing rebelde.

Samantala, iniutos ng liderato ng Philippine National Police (PNP) sa pulisya na maging ma­pagbantay dahil sa mga pag-atake ng mga rebel­de.

Kamakailan, si Puno ay kinuwestiyon sa isang Letter of Authority and Exemption na may pe­keng pirma ni dating Health secretary Paulyn Jean B. Rossel-Ubial.

Ang nasabing liham ay nagbibigay ng awtori­dad kay Puno para sa procurement increase mula P5 milyon patungo P100 milyon na tina­tang­gal ang DOH oversight and authority.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …