PITONG hinihinalang terorista na sinasabing may kaugnayan sa “Red October” plot para patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong buwan, ang inaresto, ayon sa ulat ng pulisya at militar nitong Martes.
Kabilang sa inaresto sa magkakahiwalay na operasyon ang limang high-ranking communist terrorists at dalawang lider ng Maute Group, ayon sa security agencies.
Bunsod nang pag-aresto sa mga suspek ay hindi natuloy ang planong pagpapatalsik kay Duterte, ayon kina PNP chief, Director General Oscar Albayalde, at AFP Chief of Staff Carlito Galvez Jr.
Ayon sa militar noong Lunes, ang Red October plan ay lumamig, ngunit nananatili umano ang planong destabilisasyon na posibleng ipatupad sa Disyembre.