HUMARAP sa huling pagkakataon sa Malacañang Press Corps si dating Presidential spokesperson Harry Roque kahapon upang pormal na magpaalam sa administrasyong Duterte.
Bukod sa pagpapasalamat, inihayag ni Roque ang kanyang pagtakbo hindi sa pagka-senador kundi bilang nominee sa Luntiang Pilipinas environment party-list na kanyang ihahain ngayon sa COMELEC.
Aminado si Roque na masikip ang kanyang tsansa sa Senado lalo’t bukod sa pito ang mga re-electionist, kailangang ikonsidera niya rin ang aspektong pinansiyal.
Pinabulaanan ni Roque ang mga naglutangang balitang binitiwan siya ng Pangulong Duterte na kanyang nakausap kahapon at maayos aniya ang kanilang naging paghihiwalay ng Presidente.
Pinasalamatan ni Roque ang Pangulo sa alok sa kanyang maging Office of the Press Secretary ngunit sinabi niyang hindi siya ang tamang indibiduwal na mailagay sa posisyon dahil hindi siya nagmula sa larangan ng pamamahayag.
(ROSE NOVENARIO)