Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rodrigo Duterte Bong Go
Rodrigo Duterte Bong Go

Duterte sinamahan si Bong Go sa Comelec

SINAMAHAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte si Special Assistant to the President Christopher “ Bong” Go nang maghain ng certificate of candidacy bilang isa sa senatorial bets ng PDP-Laban, sa tanggapan ng Com­mis­sion on Elections sa Intra­muros, Maynila kaha­pon.

Bago magtungo sa Comelec ay nagpunta muna si Go sa San Miguel Church sa Malacañang Complex upang magda­sal at napaluha dahil u­nang pagkakataon daw na sasabak siya sa politika at siya na mismo ang kakandidato.

Sinabi ni Go, nasak­sihan niya sa kanyang pag-iikot sa mga lala­wigan na napaka­raming mga pasyente ang naka­pila at nakapuwesto lamang sa mga koridor ng ospital kaya nais niyang mapadali at hindi na pahirapan pa ang mga pasyente sa pag-avail ng medical services kaya niya itinatag ang Mala­sakit Centers sa ilang pagamutan.

Inilinaw ni Go na kahit tatakbo na siyang sena­dor, hindi pa rin niya iiwan at pababayaan si Pa­ngulong  Duterte lalo sa mga sensitibo at priba­dong usapin partikular sa pamilya ng Pangulo.

May 20 taon nang naninilbihan bilang ka­nang kamay ni Duterte si Go.

Aminado si Go na hindi magiging madali ang kampanya lalo mapapalaban siya sa mga beteranong senador at politiko pero bahala na aniya ang taong bayan na humusga kung sino ang karapat-dapat na ihahalal na 12 senador.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …