Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jasmine Curtis-Smith Alden Richards
Jasmine Curtis-Smith Alden Richards

It was never offered to me — Jasmine sa VM ni Alden

SA wakas, nagbigay na ng paglilinaw si Jasmine Curtis-Smith tungkol sa napabalita dati na siya sana ang leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol.

Umugong ang balita bago ipalabas ang serye ni Alden at ma-reveal na sina Janine Gutierrez at Andrea Torres ang mga bidang babae.

At kahit noong mga panahong iyon na wala namang kompirmasyon na si Jasmine ang leading lady ni Alden ay umani na ang aktes ng pamba-bash mula sa mga taong ayaw na siya ang leading leady ng Pambansang Bae.

“Oo nga,” ang umpisang reaksiyon ni Jasmine sa sinabi namin.

Ano ang nangyari? Siya ba talaga dapat ang leading lady ni Alden, bakit hindi natuloy?

“Well, there was never anything presented to me by GMA directly, kasi before pa I sign my contract, actually we had a meeting na with the bosses and they presented two different stories to me, none were fantaserye, none were of similar story sa ‘Victor Magtanggol,’ so that’s… I kept asking pa Mama Bechay, ‘Mama Bech ang daming nagta-tag sa akin, totoo ba? Kasi you need to tell me, kasi I need to prepare myself for this kung totoo nga at kung maba-bash na ako today hanggang mag-airing, at least ready na ako, i-expect ko na.’

“But walang nakarating sa akin, every time I ask Mama Bechay lagi naman niyang sinasabing, ‘No Jas no, wala, wala’, so…”

Si Betchay Vidanes ang manager ni Jasmine.

Aware ba si Jasmine na bago sina Janine at Andrea ay pangalan niya ang napapabalita na female lead sa Victor Magtanggol?

“Actually, parang nabanggit na sa akin ‘yun ni Mama B na, ‘O, baka i-consider ka nila’, and then I just never heard anything from that.”

Hindi totoo na na nag-backout si Jasmine dahil hindi niya kinaya ang mga pamba-bash sa kanya, na ang paniniwala ng marami ay fans ng AlDub na tambalan nina Alden at Maine Mendoza.

“Ay hindi! Jusko! Pamba-bash ba ang pag-uusapan natin? Ilang love teams na ang pinagdaanan ko sa bashing! Kayang-kaya ko na ‘yan.”

So hindi pala totoo.

“No.”

Ang totoo nga ay hindi in-offer sa kanya ang Victor Magtanggol.

“No, no, it was never offered to me.”

Pero nakatikim ka muna ng bashing.

“Okay lang.”

Ano ang pinakagrabeng pamba-bash na ang naranasanan ni Jasmine?

“Ano ba? Para bang, ‘Bagong lipat, bagong whatever, aangkinin mo na,’ or…‘yung mga ganoon na kukunin ko na raw si Alden, saan ko siya kukunin?

“Hindi naman ako taga-langit! Hindi ko siya puwedeng kunin sa langit,” tumatawang biro pa ni Jasmine.

“So… but that was… wala na siya sa akin, kasi nakuha ko na rin ‘yun sa ‘Imagine You & Me,’ ‘di ba?”

Nakatikim na rin siya ng pamba-bash nang siya ang gumanap na ka-love triangle nina Alden at Maine sa pelikulang Imagine You & Me noong 2016.

“Kaya okay na rin. Hindi ko na rin lang siya pinansin, and nawala rin siya after kong pumirma, and nag-storycon kami (para sa Pamilya Roces), ‘yun.”

Dalawang taon ang kontrata ni Jasmine bilang bagong Kapuso, galing sa TV5 si Jasmine bago lumipat sa GMA.

Kay Betchay, ilang taon ang kontrata niya? Forever ba, biro pa namin sa magandang aktres.

“Actually wala nga kaming kontrata… yes.. forever…”

Iisa sila ng manager ni Mikael Daez.

“Oo, kami ho, we work with Mama Bech, ako mga 6, 8 years na ako kay Mama Bechay.”

Samantala, bukod kay Jasmine nasa Pamilya Roces sina Carla AbellanaRocco NacinoChristian BautistaGabbi Garcia, at ang mga bagong Kapuso na sina Sophie AlbertShaira Diaz, at Manolo Pedrosa. Sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …