Monday , December 23 2024
Fred Lim Koko Pimentel PDP-Laban
IPINAKIKITA nina dating Manila Mayor Alfredo Lim at PDP-Laban president Koko Pimentel ang “official handshake” ng kanilang partido. Kasama sa larawan sina dating PNP chief at ngayon ay Bureau of Corrections chief Ronaldo “Bato: dela Rosa, DILG undersecretary Martin Dino at PDP-Laban Manila Council President at NPDC Executive Director Penelope Belmonte. (JSY)

PDP-Laban bet si Lim sa Maynila

SI dating Mayor Alfredo S. Lim ang opisyal na kandi­dato ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) para alkalde sa lungsod ng Maynila sa darating na halalan sa 2019.

Ito ang idineklara mismo ni PDP-Laban president, Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa ginanap na mass oath-taking ng 7,000 miyembro at lider ng partido ni Lim, ang KKK (Kapa­yapaan, Katarungan at Kaunlaran) sa Open Air Auditorium sa Luneta na dinaluhan ng PDP stalwarts na kinabibilangan nina dating PNP Chief at kasalukuyang Bureau of Corrections Director Ronaldo dela Rosa, Department of the Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño at Makati Congressman Monsour del Rosario, na naghalinhinan sa pag-endoso kay Lim bilang kandidato sa pagka-mayor ng Maynila.

Sa nasabing pagtitipon ay pinuri ni Pimentel sa kanyang talumpati ang tagumpay ng ‘womb to tomb’ program na inumpisahan ni Lim ipatupad sa lungsod sa unang pag-upo nito bilang mayor ng Maynila mula 1992 hanggang 1998 at ito ay kanyang itinuloy at pinagbuti pang lalo nang muli siyang maging alkalde mula 2007 hanggang 2013.

Ang nasabing program ay nagbigay ng libreng serbisyo para sa mahihirap, mula sa oras na ang isang tao ay nasa sinapupunan hanggang sa kamatayan. Tampok sa mga serbisyong ito ang pagtatag ni Lim ng libreng college education nang kanyang ipatayo ang City College of Manila (o Universidad de Manila) at ang paglalagay sa anim na distrito ng Maynila ng tig-isang ospital na nagbibigay ng mga libreng serbisyo medikal, admission, doktors at maging take-home medicines.

Ani Pimentel, kailangan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang behikulo upang ang mga lider nito ay maupo sa gobyerno at matulungan ang gobyerno na maipatu­pad ang mga programa nito.

”Sa local, alam n’yo na kung sino ang manok natin at ‘yan ay walang iba kundi ang inyong dating mayor, Alfredo Lim,” ani Pimentel, dahilan upang maghiyawan ang libo-libong dumalo sa okasyon, na binanggit din ni Pimentel na si Lim ang uri ng kandidato na may solidong plano para sa lungsod at mga naninirahan dito.

Nagpapasalamat umano ang PDP-Laban kay Lim na siya umanong dahilan kung bakit ang nasabing partido ay naging mas malaki at malakas sa Maynila at aniya, ang mga miyembro ng KKK ang siya ngayong punda­s-yon ng PDP-Laban sa Maynila.

Samantala, sinabi ni Diño na kailangan ng gobyernong Duterte ang matindi at malakas na kaalyado pag­dating sa pinaigting na kam­panya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad kung kaya’t kanilang ineendoso si Lim.

”Marahil ay sabik na sabik na kayo sa katahi­mikang ibinigay ng taong ito. Ito na ang pagkakataon na maibalik natin ang  katinuan sa Maynila, maibalik ang katahimikan at mawala na ang mga kriminal at korup­siyon,” ani Diño.

Sa paghahayag ng suporta, inilarawan ni Dela Rosa si Lim bilang isang ‘legend and an icon’ lalo sa hanay ng mga miyembro ng pulisya na kagaya niya. Nakaka-identify umano siya kay Lim, na isang retired major general na iginugol ang 38 taon ng kanyang buhay sa police service.

Ayon kay Dela Rosa, pareho sila ni Lim pagdating sa matigas na paninindigan laban sa mga kriminal at gayondin sa kanyang wa­lang katapusang pagsisi­kap na protektahan ang nga inosenteng sibilyan na nabibiktima ng masa­samang-loob.

”Napakagaling na idol ng lahat. Walang pulis sa Filipinas na ‘di naging idolo ang ating mahal na mayor pero may kaunti kaming pagkakaiba sa pagiging pulis dahil siya ay pulis sa siyudad at ako naman ay pulis sa probinsiya. Pero ‘yung galit sa mga kriminal at ‘yung awa sa mga taong kinakawawa ay pareho lang po kami,” ani Dela Rosa.

Nanawagan si Del Rosario sa libo-libong sup­porters ni Lim na tumulong nang husto upang maibalik si Lim – na kanyang inila­rawan bilang ‘walang kupas na idolo’ at ‘action man’- bilang alkalde ng Maynila, kasabay ng pagbanggit na ang may pruweba ng mga programa ni Lim para sa mahihirap ay kasama na sa mga dahilan kung bakit nila suportado ang kandidatura ni Lim.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *