Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P.8-B jackpot sa lotto gusto rin masungkit nina Digong, SAP Go

KINOMPIRMA ni  Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na gaya ng pangkaraniwang Filipino ay tumaya rin silang dalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ultra Lotto na mahigit P800 milyon ang jackpot.

Ayon kay Go, 18 combination ang pina­tayaan nila ni Pangulong Duterte para sa 6/58 jackpot draw mamayang gabi.

Sa pinakahuling lucky pot ng 6/58, naitala ito sa P849 milyon at maa­aring umabot pa ito sa halos P900 milyon bukas ng gabi.

Sa isang lotto outlet  sa Metro Manila, ani Go, sila nagpataya na kung sakali’t palarin ay ilalaan nila ang mapapanalunan para sa kanilang Mala­sakit Center program.

Binigyang diin ni SAP Go, hindi na bago ang pagtaya sa Lotto nila ni Pangulong Duterte dahil ginagawa na nila ito sa nakalipas na limang taon.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …