Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte naospital itinanggi ng Palasyo

WALANG katotohanan na na-confine sa isang pagamutan sa Metro Manila si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi nakasipot sa isang opisyal na pagtitipon sa Palasyo kamakalawa ng hapon.

Sinabi ni Special Asistant to the President Christopher “Bong” Go, napagod nang husto si Pangulong Duterte at gabi na nakauwi mula sa pagbisita sa Catarman, Samar kamakalawa ng gabi, kaya nagpasyang private meeting na lang ang daluhan.

“Walang katotohanan na-admit si PRRD. Hindi ‘yan totoo 100% po. Itataya ko ang buhay ko d’yan, hindi totoo ‘yan. Antay lang natin mama­ya may public appearance siya. Kahapon naman private meeting lang siya dahil pagod na pagod siya noong isang gabi, ‘di ba galing kami sa Catar­man, late na kami nakau­wi, “ ani Go.

Buwelta ni Presi­den­tial Spokesman Harry Roque, makarma sana ang mga nagnanais na magkasakit si Pangulong Duterte.

Dagdag ni Roque, naka­handa siyang mag­padala ng larawan ng Pangulong Duterte upang patunayang mali ang espekulasyon.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …