Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dimples Romana
Dimples Romana

Dimples, weakness ang intimate scene

SA nakaraang media launch ng bagong seryeng Kadenang Ginto ay natanong namin si Dimples Romana na sa estado niya ngayon ay kung namimili pa ba siya ng projects?

Kaya namin ito nasabi ay dahil kaliwa’t kanan ang tanggap niya na tila hindi na siya nagpapahinga dahil wala pang dalawang buwang tapos ang Bagani ay heto at muli na naman siyang mapapanood simula sa Lunes, Oktubre 8 sa Kapamilya Gold.

“Well, ano bang mga pinipilian ko, I guess iniiwasan ko ‘yung mga kiss (kissing scenes). Kung gagawin man namin ‘yun, nakadaya. Hindi ko kasi kaya as a person, parang natatawa ako ‘pag gagawin ko (kiss). Weakness ko iyon actually at saka ‘yung pagtawa ng kontrabida. Hindi ko kaya ‘yun.

“Maski noong wala pa akong asawa piling-pili talaga, naiilang po kasi ako. Hindi ako marunong sa intimate scenes, takot ako kasi natatawa ako. It’s nothing personal to my co-actors, it’s really just me.

“I really have a problem with intimate scenes kaya iba talaga ang saludo ko sa mga taong who can also do that because that’s a lot of guts and security of self. I guess iyon ang kulang sa akin, hindi ako ganoon ka-secure pagdating sa intimate scenes, nabubungisngis ako,” paliwanag mabuti ng aktres.

At nabanggit naming kaya pala pawang comedy at drama lang ang tinatanggap niyang projects.

“Opo, minsan nga may nag-offer ng kissing scene, sabi ko, ‘gust n’yo po mag-iyakan na lang tayo,” natawang sabi nito.

Samantala, balik-kontrabida ulit ang karakter ni Dimples pagkatapos ng Bagani na mabait siya bilang Babaylan.

Aniya ay ito ang sinimulan niyang papel noong 12 years old palang siya sa seryeng Esperanza (1997) na idinirehe rin ni Jerry Sineneng.

Kuwento ni Dimples, “ang unang assignment ko po talaga was not a mabait character at itong ‘Esperanza’ po talaga ako nakilala. Ang maganda kay Daniella (Kadenang Ginto) parang into a classic attact but into a modern twist because you can see how she speak, very modern.”

Mapapanood na ang Kadenang Ginto sa Kapamilya Gold simula sa Oktubre 8, Lunes, mula sa Dreamscape Entertainment at makakasama rin sa serye sina Albert Martinez, Francine Diaz, Andrea Brillantes, Adrian Alandy, Luke Conde, Nikko Natividad, Adrian Lindayag, Kat Galang, Savannah Rosales, Eula Valdes, at Beauty Gonzales.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …