Saturday , November 27 2021
Kadenang Ginto Adrian Alandy Dimples Romana Beauty Gonzalez Albert Martinez
Kadenang Ginto Adrian Alandy Dimples Romana Beauty Gonzalez Albert Martinez

Albert, Dimples, Adrian, at Beauty igagapos ng pagmamahal at kasakiman sa “Kadenang Ginto”

SIGURADONG kakapitan ng mga manonood ang kuwento ng isang pamilyang pinakinang ng pag-ibig ngunit binalot ng kasakiman sa “Kadenang Ginto,” na magsisimula na ngayong Lunes (8 Oktubre) sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Kilalanin si Romina (Beauty Gonzalez), ang babaeng maaasahan lalo na ng kanyang pamilya dahil sa kanyang kasipagan. Puno rin siya ng ligaya dahil kay Carlos (Adrian Alandy), ang kanyang butihing nobyo. Masaya silang mag-iibigan at bubuo ng pangarap, hanggang magpasya silang magpakasal.

Ngunit bago maganap ang pinakahihintay nilang araw, isang krimen ang sisira sa buhay ni Romina — gagahasain siya ng isang hindi kilalang lalaki. Dahil hindi naniniwalang ginahasa ang nobya, makikipaghiwalay si Carlos kay Romina, na hahantong naman sa matinding pagluluksa ng dalaga.

Lalo pang gugulo ang situwasyon dahil magbubunga ang nangyaring krimen kay Romina at magdudulot ng matinding panghuhusga. Sa gitna ng unos, masasandalan niya si Robert (Albert Martinez), ang may-ari ng pinagta­trabahuan niyang kompanya.

Mauuwi sa isang relasyon ang kanilang pagsasama, ngunit hahadlangan ito ni Daniela (Dimples Romana), ang anak ni Robert. Dahil mababa ang tingin sa dalaga, ipamumukha ni Daniela na pera lang ang habol ni Romina sa pamilya at gagawin ang lahat upang mailayo ito mula sa ama.

Upang pahirapan at galitin ang kaaway, aakitin ni Daniela si Carlos – isang relasyong uuwi sa kasalan at magbubunga ng anak nilang si Margaret. Ngunit sa pag-aakalang madali niyang makuku­ha ang mana mula sa kanyang ama, malalaman niyang makaka­agaw na rin nilang mag-ina sa yaman hindi lang si Romina kundi maging ang anak niyang si Cassandra.

Dito mas titindi ang kanilang hidwaan para sa karapatan at pagmamahal mula kay Robert dahil magsasama-sama sila sa iisang bubong. Muli nga kayang maibalik sa dati ang mga ginintuan nilang puso na nabahiran na ng poot?

Samantala, kasama rin sa cast ng “Kadenang Ginto” sina Eula Valdez, Ronnie Lazaro, Luke Conde, Nikko Natividad, Adrian Lindayag, Kat Galang, at Savannah Rosales. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng. Panoorin ang “Kadenang Ginto” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Leave a Reply