Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Para Sa Broken Hearted Yassi Pressman Shy Carlos Louise Delos Reyes Sam Concepcion Marco Gumabao
Para Sa Broken Hearted Yassi Pressman Shy Carlos Louise Delos Reyes Sam Concepcion Marco Gumabao

Umiyak, tumawa sa Para Sa Broken Hearted

“ANG sakit.” Ito ang karaniwan naming narinig sa mga nanood sa premiere night ng pelikulang Para sa Broken Hearted, na hango sa best-selling book ng kilalang “hugot novelist” na si Marcelo Santos III.

Binigyang buhay nina Yassi Pressman, Shy Carlos, Louise Delos Reyes, Sam Concepcion, at Marco Gumabao ang mga karakter na sina Shalee, Jackie, Kath, Alex, at RJ. Idinirehe ito ni Digo Ricio para sa Viva Films.

Tulad ng mga love story na may masalimuot, malungkot, masaya o nakaiiyak na istorya ang mapapanood sa Para sa Broken Hearted.

Unang ipinakita ang istorya ni Shy o si Jackie na isang go-getter. Laki sa nanay at lola na na-inlove kay RJ (Marco), isang varsity player at matamis ang dila. Na ang pangakong mamahalin at ‘di sasaktan si Jackie ay ‘di totoo dahil huli’y naghiwalay din sila at ipinagpalit pa sa iba.

Si Kath (Louise) naman ay malakas ang loob at mahilig sa lakaran.  Siya iyong maraming hugot na nakilala si Dan sa panahong ginagamot ang  pagkasawi sa pag-ibig.

Pinaka-nag-enjoy ako sa kuwento ni Shalee (Yassi), isang photography enthusiast na masayahin sa kabila ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Ang galing-galing dito ni Yassi dahil naipakita niya ang other side ng talento. May pagkakikay kasi rito si Yassi na bagay sa kanya. Kinontrata niya si  Alex (Sam) para maging boyfriend at maranasan ang magmahal at ang mahalin bago siya mawala sa mundo.

Subalit sa bawat masayang pagsasama, laging kakabit ang kalungkutan kaya naman sobrang sakit ang naramdaman ni Alex nang lumala ang kalagayan ni Yassi.

Pero hindi lahat ay sakit, sama ng loob o pag-iyak dahil mayroon ding saya nang muling magkita sina Alex at Kath.

Pang-millennial ang atakeng ginawa ni Direk Ricio. May mga experimental scene siyang ginawa na hindi ko alam ang tawag doon. Pero lumabas iyong interesting.

Magan­dang panoorin ito at  ‘wag palampasin ang pelikulang puno ng pag-ibig at pait mula handog ng VIVA Films at Sari-Sari Films.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …

Carla Abellana Dr Reginald Santos Tom Rodriguez

Tom at Carla unforgettable ang December 27 

I-FLEXni Jun Nardo KAPWA unforgettable ang date na December 27, 2025 sa ex-couple na sina Carla …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …