BAGO sumali at naging grand winner sa The Clash ng GMA, there was a time na naging contestant pala sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng ABS-CBN’s It’s Showtime si Golden Canedo.
She joined Tawag ng Tanghalan sometime in October 2017 using the monicker “Roma Golden Apa-Ap” and performed Jona’s version of “Pusong Ligaw” but she did not win.
Pagkatapos ng ilang buwan, nag-audition siya The Clash and was ultimately chosen as the Ultimate Clash Champion on September 30, 2018.
Anyway, kahit noong nasa kasagsagan ang competition, tina-tag na talaga ng ilang viewers na siya’y look-alike ni Sarah Geronimo.
Ano naman ang nararamdaman niya knowing how popular Sarah is nowadays?
“Happy po ako dahil parang pinahawig po ako sa idolo ko po na si Sarah G,” she said visibly pleased and overwhelmed with the comparison, “na sobrang galing po at saka sobrang sikat, kaya po nagpapasalamat din po ako na nakikita nila si Sarah G sa akin.”
But isn’t she pressured being compared to her?
“Hindi naman po kasi, ‘di ba po,” she answered in all humility. “Mas magaling po siya, alam po natin. Mas nata-challenge po ako na mas pagbutihin po kasi nakikita po nila ako na Sarah G.”
For her prize, Golden won an exclusive contract with GMA-7, a brand new car, a house and lot from Bria Homes, and P1 million.
After The Clash, magiging parte si Golden ng variety program na Studio 7, kasama ang Top 5 Clashers.
Anyway, sa presscon ng Studio 7, pinatunayan ni Golden na karapat-dapat siya sa titulong kanyang napanalunan.
Nang isa-isa silang hingan ng sample ni Mr. Jun Nardo, she showed to everyone her awesome singing prowess.
Tunay ka, may K siya na maging Ultimate Clash Champion!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.