Wednesday , June 12 2024
New York Festivals World’s Best TV and Films

1 medal, 5 finalist certificates nakamit ng GMA sa NYF Awards

Rated R
ni Rommel Gonzales

PATULOY ang pamamayagpag ng GMA Network sa mga international award-giving bodies matapos makakuha ng 1 World Medal at 5 Finalist Certificates sa prestihiyosong 2021 New York Festivals (NYF) World’s Best TV and Films Competition.

Nagkamit ang investigative program at eight-time NYF World Medalist na Reporter’s Notebook ng Bronze Medal para sa dokyu nitong Mga Sugat ni Miguel sa ilalim ng Documentary: Health/Medical Information category.  Ika-siyam na World Medal na ito ng programang hosted nina Maki Pulido at Jun Veneracion.

GMA rin ang nanguna sa mga short-listed entry mula sa Pilipinas. Ang segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na Babaeng Tinaga sa Mukha nag-uwi ng finalist certificate sa Documentary: Social Justice category. Isa pang Public Affairs program, ang Reel Time, ang tumanggap ng finalist certificate para sa This Abled dokyu sa ilalim ng Documentary: Heroes category. Ang The Atom Araullo Specials ay may finalist certificate rin para sa episode nitong The Atom Araullo Specials: Dreams of Gold sa ilalim ng Program: Sports Documentary category.

Ipinagmamalaki ring mapabilang ng The Clash sa mga nag-uwi ng finalist certificate para sa Entertainment Program: Variety category. At ang first-ever virtual reality concert sa Pilipinas na Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert ay nakakuha rin ng finalist certificate para sa TV airing nito sa ilalim ng Entertainment Special: Special Event category.

Congrats, mga Kapuso!

About Rommel Gonzales

Check Also

Alfred Vargas Nora Aunor Pieta

Alfred Vargas, naramdaman Nora Aunor magic sa pelikulang Pieta

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang award-winning actor na si Alfred Vargas na ibang …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Xian Lim Sanya Lopez Coleen Garcia Faye Lorenzo

Playtime ng GMA at Viva mapapanood na

RATED Rni Rommel Gonzales MAPAPANOOD na ang pinakaaabangang pelikula ng GMA Pictures at Viva Films na  Playtime starring Sanya Lopez, Coleen Garcia, …

Kapuso Fans Day Independence

Kapuso stars lilibutin ang ‘Pinas sa Araw ng Kalayaan

RATED Rni Rommel Gonzales TIYAK na memorable at espesyal ang paggunita sa Araw ng Kalayaan …

Jed Madela

Jed Madela inabangan, kinagiliwan sa Phil Expo Tokyo 2024

HARD TALKni Pilar Mateo PINAINIT ni Jed Madela ang mga kababayan nating nanood sa kanyang appearance sa …