KINOMPIRMA ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson.
Sinabi ni Go, kamakalawa ng hapon natanggap ni Pangulong Duterte ang resignation letter ni Uson.
Ayon kay Go, inirerespeto nila ang naging desisyon ni Uson at pinasasalamatan nila ang kanyang serbisyo.
Magugunitang naging kontrobersiyal si Uson partikular sa kanyang “pepe-dede-ralismo” viral video at iba pang video kasama ang blogger na si Drew Olivar.
“Inirerespeto namin desisyon niya. At nagpapasalamat kami ni Pangulong Duterte sa kanyang paglilingkod,” ani Go.
ni ROSE NOVENARIO