Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ria Atayde ABS-CBN Ball
Ria Atayde ABS-CBN Ball

Cellphone ni Ria, nadurog, gown, naapakan

HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay malamang may bagong cellphone na si Ria Atayde na habang ka-text namin nitong Linggo ay sa computer lang niya nababasa ang lahat ng messages niya.

“Nope, using po my old phone,” kaswal na sagot ng dalaga.

Nabasag ang cellphone ng aktres sa nakaraang 2018 ABS-CBN Ball na ginanap sa Makati Shangri-La nitong Sabado dahil natapakan ang gown niya na gawa ni Joe San Antonio habang naglalakad at dahil sa lakas ng impact ng pagkakahagis ay nadurog ang salamin ng cellphone dahilan para hindi niya mabasa ang mga mensahe at ipinost din naman niya sa FB page.

Sino ang nakatapak? “Hindi ko po nakita, tita, dami kasi tao,” kaswal na sagot ng aktres.

Feeling namin ay kilala ni Ria at ayaw na lang niyang palakihin para walang isyu dahil hindi rin naman marahil sinadya ng nakatapak.

Walang binanggit si Ria kung humingi ng sorry ang nakatapak o baka naman sadyang deadma para hindi mapansin.

Anyway, kung maaayos ang schedule ni Ria ay may indie film siyang gagawin na out-of-town ang shooting at locked-in kaya ginagawan ito ng paraan dahil abala siya sa taping ng Halik nina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion, at Sam Milby.

Nagsimula na rin siyang mag-shoot ng Girl in the Orange Dress na entry ng Quantum Films sa 2018 Metro Manila Film Festival kasama sina Jessy Mendiola at Jericho.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …