Sunday , July 14 2024
Sylvia Sanchez Arjo Atayde Ria Atayde
Sylvia Sanchez Arjo Atayde Ria Atayde

Performance nina Arjo at Ria sa pinagbidahang MMK episode pang-award, Sylvia, proud mommy

ANG magkapatid na Ria at Arjo Atayde ang bumida noong Sabado sa “Maalala Mo Kaya” na ang kuwento ay tungkol sa illegal mining sa Sibuyan Island sa Romblon.

Sa umpisa pa lang ay ipinakita na nina Ria (Rosedel) at Arjo (Manong Armin) ang husay nila sa pag-arte sa mga ginampanang character. Palaban sa sakim at ganid na mining company na gustong mag-mina sa kanilang isla si Manong Armin na hindi pumayag na masira ang kagan­da­han ng kanilang lugar.

Hanggang sa kahuli-hulihan niyang hininga ay kanyang ipinaglaban ang kanilang bayan.

Grabe, panay ang agos ng aming luha sa eksena habang pinipigilan ni Arjo ang tauhan ng mining company na huwag nang ituloy ang pagmimina kung saan nabaril siya nang walang kalaban-laban. Pagbagsak ng kaniyang katawan at pag-agos ng dugo sa lupa ay mararamdaman mo na totoong-totoo ang pagpaslang kay Arjo. Ang intense ng acting niya na kaniyang-kaniya lamang.

Maging si Ria ay naipakita ang pagiging born actress na namana siyempre nila ni Arjo sa kanilang mommy Sylvia Sanchez na very proud sa ipinakita nilang per­formance sa MMK.

Napakanatural umarte ni Ria at ang galing-galing niya sa ending ng kanilang MMK episode habang kinokompronta ang mga minero sa pagpatay sa kanyang Manong Armin. I’m sure sa husay ng magkapatid, malamang na dalawa silang magkakaroon ng acting nominations rito.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

60th Binibining Pilipinas 2024

Mga reyna ng Binibining Pilipinas pinarangalan

MATABILni John Fontanilla NAKATUTUWA at kahanga-hanga ang katatapos na 60th Binibining Pilipinas Coronation Night na pinagsama-sama ang …

Jessy Mendiola Rico Yan

Jessy Mendiola tinuligsa puntod ni Rico Yan ginawang tourist spot  

MA at PAni Rommel Placente TILA hindi nagustuhan ni Jessy Mendiola ang ginagawang paggamit ng ilang netizens …

Billy Crawford

Hindi ako adik — Billy Crawford

MA at PAni Rommel Placente PAYAT ngayon si Billy Crawford. Sinasabi tuloy ng iba na gumagamit …

Michelle Gumabao

Michelle gustong tutukan akting, hosting 

I-FLEXni Jun Nardo IPAGPAPATULOY ng volleyball player na si Michelle Gumabao ang naudlot niyang showbiz career nang …

Blind Gay Couple

Opisyal na babaero sinubasob si male starlet

ni Ed de Leon SINO nga ba iyang opisyal na malaki ang katawan at bilog ang tiyan, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *