KALIWA’T kanan ang puna na nabasa namin tungkol kay Kathryn Bernardo sa suot nitong white dress sa nakaraang ABS-CBN Ball dahil sobrang simple raw at nakatali lang ang buhok ng aktres. Sa madaling salita, tila hindi nag-effort ang girlfriend ni Daniel Padilla sa nasabing okasyon.
Sabi ng ilang bashers, “Akala ko ba successful ang movie, bakit ganyan? May mali sa suot.”
May mga nagtanggol naman na ito ang gusto ng dalaga, maging simple at komportable sa kasuotan niya.
Ang mga nabasa naming komento ng tagapagtanggol ni Kath, “simplicity is beauty. Ganyan talaga ang tunay na maganda, elegante at hindi kailangan ng kung ano-ano. Ayaw na niyang manalo kaya ipinaubaya na niya sa iba. She don’t need to look rich, she is already glamorous and rich. ‘Di nya kalangan makipag-kompitensiya. Nakuha na na niya lahat.”
Baka nga kasi gusto pa rin ng mga pumuna sa aktres na siya pa rin ang manalong Female Star of the Night na napanalunan ni Jodi Sta. Maria ngayong taon at si Jericho Rosales naman ang hinirang bilang Male Star of the Night.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan