MAY proposal si Senate President Tito Sotto na baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang, ang Pambansang Awit ng Pilipinas.
Gusto niyang palitan ang linyang, “Ang mamatay ng dahil sa ‘yo” ng “Ang ipaglaban ang kalayaan mo.”
Sa mungkahing ito ng senador, marami ang kumontra. Isa na rito si Vice Ganda. Sabi niya sa kanyang Twitter account, “Eh kung palitan na lang ‘yung last line ng national anthem ng ‘Ang ma-traffic ng dahil sa’yo??!! Mas keri ba?”
Kaya siguro nasabi ‘yun ni Vice dahil lagi siyang nata-traffic at nali-late kapag may pupuntahan o appointment siya.
MA at PA
ni Rommel Placente