BUHAY ang mga nasakoteng suspek at kompiskado ang sandamakmak na ilegal na drogang shabu.
Ganyan magtrabaho ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Gaya nitong nakaraang mga araw, apat na Chinese Hong Kong residents ang nasakote ng mga operatiba ng PDEA, nauna ang dalawa at sumunod ang dalawa pa, at nitong Miyerkoles, ‘yung mini-laboratory ng shabu sa isang kilalang condominium sa Pasay City.
Mini-laboratory pero kayang mag-produce ng halos 100 kilo ng shabu sa loob lamang nang isang araw.
Sa apat na Chinese Hong Kong residents, dalawa sa kanila ay sinasabing magagaling na chemist ng shabu.
Sayang, hindi pa nanlaban ‘yang mga ‘shabu chemist’ na ‘yan para napatunayan sana nila na bawal ang ilegal na droga sa Filipinas.
Sa pagpasok ng mga Chinese shabu chemist, sana’y mabusisi ng mga kinauukulang awtoridad kung saan at paano sila nakapasok sa bansa.
At kapag napatunayan na mayroong mga kasabwat sa pamahalaan, sana’y agad din silang maparusahan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap