Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klaudia Koronel

Klaudia, ‘di totoong naghihirap

MARAMI ang natuwa sa pagbabalik-Pilipinas ni Klaudia Koronel. Ang akala ng marami, magbabalik-showbiz na ito. Puwede namang magbalik-showbiz si Klaudia, pero hindi pa sa ngayon.

Nais man ni Klaudia na harapin muli ang pag-arte, hindi pa puwede dahil may inaayos pa siya sa Amerika. Pero bukas siya sa anumang offer na darating.

Katunayan, sa maigsing pagbabakasyon niya sa Pilipinas, may mga guesting na siya. Nakatakdang siyang lumabas sa Mars nina Camille Prats at Suzi Entrata-Abrera ng GMA News TV at sa dalawang show sa Net 25.

Umuwi si Klaudia sa Pilipinas para asikasuhin ang condo unit nila sa may BGC. Ito rin ang pagkakataon para asikasuhin ang iba pang properties na matagal na hindi niya naasikaso dahil sa paninirahan sa US.

“Ibinenta ko ‘yung isang unit ko sa may BGC,” simula ni Klaudia nang makahuntahan namin ito. “Nakakalungkot man, kailangan ko nang ibenta iyon. Nakakalungkot kasi paborito ko ‘yun kasi malapit sa lahat. Nasa likod lang siya ng St Lukes Hospital at Shangri-La at iba pang magagandang establishments,” sambit ni Klaudia.

Ani Kladuia, kailangan nilang ibenta ang naturang propery dahil hindi nila naaasikaso. ”Sayang lang. Pinauupahan namin okey naman ang kita pero kailangan na talang i-let go.”

Mayroon pa ring property si Klaudia sa Sta Rosa Laguna na pinuntahan niya noong Lunes. Mayroon din sila sa Quezon City at Manila. ”Taong 2010 pa ako umalis ng Maynila. Bale ‘yung kininita ng ibang property ko tamang-tama para sa panggastos ng anak ko.”

May mga rin siya San Pablo at Iloilo. ”Wala naman akong problema rito sa mga lupang ito roon lang minsan sa mga umuupa, nag-iiwan ng mga bayaring bills.”

Sa rami ng properties ni Klaudia sa Pilipinas maging sa ibang bansa, natanong siya ukol sa nabalitang naghihirap na siya.

At bago siya nakasagot ay natawa muna at saka sinabing, ”Hindi naman po totoo ‘iyon. Mayroon pa rin po kaming business na Care Home sa Amerika na ako mismo ang nagpapalakad.”

Samantala, napag-alaman naming interesado ang Maalaala Mo Kaya (MMK) at Magpakailanman sa makulay na istorya ng buhay Klaudia.

“Oo gusto nga raw ng MMK at Magpakailanman. Kung puwede ako na rin ang gaganap at sana magawa na agad bago ako bumalik ng US,” sambit pa ni Klaudia.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …