Boobsie likas ang pagiging madiskarte
Rated R
ni Rommel Gonzales
BATA pa lang ay madiskarte na si Boobsie. At dahil talented, nakapagtrabaho na siya sa ibang bansa bilang entertainer. Dito niya nakilala si Lito, nagsimula sila bilang live-in partner hanggang sa makalipas ang halos siyam na taon at doon na nila naisipang magpakasal.
Unti-unti rin nakilala si Boobsie na nagsimula sa screen name na Jane B hanggang sa naging Boobsie Wonderland. Ngunit ang mala- fairytale niyang buhay ay โdi kompleto kung puro saya lang ang kanyang mararamdaman. Kaya sa pagdaan ng panahon ay sinubukan din ang kanyang katatagan hindi lang bilang komedyante, kundi bilang isang anak, ina, at asawa.
Tunghayan sa Sabado ang nakakikilig at nakatutuwang kuwento ni Boobsie na pagbibidahan din niya kasama sina Ms. Elizabeth Oropesa, Jay Manalo, Jong Cuenco, Cai Cortez, Tonet Guaio, Kenken Nuyad, Joanna Marie Tan, Prince Clemente, at Makee Dulalia.
Ang episode naย Fat and Furious – Ako si Boobsie Feeling Sexy: The Mary Jane Vallero storyย ay idinirehe niย Rechie Del Carmen, isinulat niย Senedy Que, at sinaliksik niย Angel Launo. Mapapanood ito sa Sabado, saย Magpakailanman.
