TULOY ang pagpapatupad ng Proclamation 572 na nagpapawalang bisa sa iginawad na amnestiya kay Senador Antonio Trillanes IV.
Ibinasura ng Korte Suprema ang hirit na temporary restraining order (TRO) ni Trillanes para ipatigil ang implementasyon ng Proclamation 572.
“There is no legal impediment now to implement Proclamation 572. He had his day in court and he failed,” ani Presidential Spokesman Harry Roque kahapon makaraan ang en banc decision ng SC.
Nanindigan aniya ang Pangulo na hihintayin ang desisyon ng Makati Regional Court sa kasong rebelyon at coup d’ etat laban kay Trillanes at kung maglalabas ng warrant of arrest laban sa senador.
(ROSE NOVENARIO)