INILINAW ni Pangulong Duterte na wala talagang bisa ang amnestiya na iginawad kay Trillanes ng administrasyong Aquino dahil si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin lang ang nagrekomenda at nag-aproba at hindi si dating Pangulong Aquino.
Nakasaad aniya sa Konstitusyon na tanging ang Pangulo lamang ang may kapangyarihan sa pagbibigay ng amnestiya at hindi puwedeng ipasa sa miyembro ng gabinete.
Ang kapangyarihan na magkaloob ng amnestiya tulad ng kapangyarihan nitong magbigay ng pardon ay kailangang maipatupad ng presidente ng bansa nang personal.
(ROSE NOVENARIO)