Friday , November 22 2024
Robin Padilla Trillanes
Robin Padilla Trillanes

Robin, may hamon kay Trillanes — Problema mo harapin mo, huwag mong idamay ang buong bansa

SA ngayon ay dalawang taga-showbiz industry at walang posisyon sa gobyerno ang naglabas ng hinaing nila tungkol kay Senator Antonio Trillanes IV na binawian ng amnestiya ni Presidente Rodrigo Duterte kaugnay sa kasong kudeta na pinamunuan ng una noon sa Oakwood, 2003 at Manila Peninsula, 2007 na nagdulot ng malaking kaguluhan sa lungsod ng Makati City.

Isa ang talent manager, actor, at radio host na si Ogie Diaz na ipinost niya sa kanyang FB page.

Sabi ni Ogie, “Ganoon talaga, Sen. Trillanes. ‘Di mo napaghandaan ang ganti, eh. Na-checkmate ka ni Pangulong Duterte.

“Ipaglaban mo na lang kung ano ang nararapat at kung paano mo ito malulusutan. Lagi mo na lang isipin na kanya-kanyang panahon lang ‘yan. Umiikot lang naman ang mundo.

“Saan ka man mapunta o makulong ka man, bitbitin mo na lang ang ipinaglalabang prinsipyo mo. Unless, kaya mong “makipaglaro.” Pero may panahon pa ba?

“Sana lang, ngayong binawi ang iyong amnesty eh sana, kasabay na rin ‘yan ng pagkawala ng mga bukbok sa bigas, bumaba na ang presyo ng mga pangunahing bilihin, mabawasan na ang mga adik, pusher, druglords para ‘di na tumaas ang bilang ng mga “nanlaban,” mabawasan na ang utang ng ‘Pinas, bumaba na ang inflation rate at totoong gumanda na ang ekonomiya ng bansa.

“’Pag naramdaman at nakita na ng taumbayan ang ginhawa sa kabuhayan, nako, Sen. Trillanes, gusto ko lang sabihin sa yo. Ikaw talaga ang may balat sa pwet.”

Habang tinatapos namin ang balitang ito ay wala pang sagot si senator Trillanes IV kay Ogie.

Samantalang si Robin Padilla ay ginamit naman ang kanyang FB live account para hikayatin ang senador na harapin nito ang problema.

Nagtungo ang aktor ng Sana Dalawa ang Puso sa senado nitong Martes para makita ng personal ang umano’y pag-aresto kay Sen. Trillanes, pero walang nakita si Binoe.

Sa FB live ni Robin, “Labas na riyan. Labas na riyan, pare. Huwag kang magtago sa saya ng Senado. Halika, Trillanes. Ang daming sinasabi ni Trillanes, ang daming palusot, nagtago pa sa Senado!” sabay tawa ng aktor.

“Kami mga ordinaryong tao, kapag may kaso, wala kaming magawa. Kapag sinabi ng pulis na kailangan namin sumama sa kanila, sumasama kami.

“Kahit na alam namin na wala kaming kasalanan. Kasi ‘yun ang sinasabi ng batas.

“Ang balita ko, riyan ka matutulog sa senado. Kayo ba ang nagbabayad ng kuryente riyan? Pambihira kayo. Kami ang nagbabayad diyan. Ano ba naman ‘yung mag-submit kayo riyan sa authority?”

Maraming nagkagusto sa ginawang ito ng aktor kaya umabot ito sa 45k shares sa FB,  39k likes, at 54.k comments at higit sa lahat nasa 1,523.484 views na habang tinitipa namin ito.

Kinagabihan ay hiningan ng komento ng media si Sen. Trillanes sa hamon ni Binoe na lumabas na siya sa senado at huwag magtago, “So, papansinin ko siya? Ayan na, binigyan ko siya ng two seconds na atensiyon. Parang bata. It’s too petty, eh. We’re dealing with national problems here; tapos you have immature people like that.”

Kahapon ng umaga ay sumagot si Robin sa paglalarawan sa kanya ng senador na ‘parang bata.’  Hindi raw iyon ang karakter ng aktor.

Naging kaklase pala ni Robin si Trillanes noong hay-iskul at pilit niyang inaalala kung ano ang pagkakilala niya sa senador, pero wala raw, “basta ang alam ko lang, maayos lagi ang buhok mo.”

Humingi ng paumanhin si Robin kay Sen. Trillanes at sa pamilya nito kung na-offend niya sa unang FB live niya nitong Martes dahil masyado  siyang masaya kaya marami siyang nasabing hindi dapat. Binanggit ding ng aktor na napagsabihan siya ng matatanda sa ginawa niya.

Unang bati ng aktor, “Alam mo, Antonio, sa usaping ito, ikaw ang parang bata, eh, ikaw ang nakipagtaguan. Ako nagpunta ako ng Senado upang makita ko ang pagsilbi o pag-serve ng batas. Kasi sa batas, no one is above the law. Iyan, pare, ang point natin, eh. Dapat ang lahat ay sumusunod sa batas. ‘Yun ang punto ko kaya ako nagpunta sa senado para i-practice ko ang aking right kasi karapatan ko ‘yun! Kayo ang parang bata kasi senador kayo at hindi kayo makalabas sa senado. Aba’y pambihira ‘yan! Napakalaking palaisipan ‘yun.

“Ikaw ang parang bata pare, marami kang reklamo magku-coup d’etat ka tapos wala pang 24 hours, su-surrender ka na. O ‘di ba parang gawain ng bata ‘yun? Parang umangal ka lang, ginulo mo lang lahat tapos sorry, ‘yun, eh.”

Nag-ala General Emilio Aguinaldo raw si Trillanes, ayon kay Robin.

“Naglakad sa kalsada si Heneral Aguinaldo, tinawag niya ang mga tao para sumama at may banda, isang malaking festival ‘yun. Nangyari ‘yun sa Cavite, ginawa mo naman sa Makati.

“Sino ngayon sa atin ang parang bata roon? Ako noong ginawa ko ‘yung Bonifacio (pelikula), may kamera, pare! May shooting, may istorya, may producer, may direktor!

“Tapos tumakbo ka pa ng (Manila) Peninsula, nagsama ka pa ng tao, pati mga turista ginulo mo. Tapos susurender ka rin pala. ‘Yun pare ang gawain ng bata!” diin ni Robin.

“Kapag napagalitan, tatamihik, tapos magso-sorry. Pagkatapos mong magrebolusyon pare, pagkatapos mong guluhin ang Pilipinas, pagkatapos mong guluhin ang ekonomiya natin, pagkatapos mong bolahin ang mga sundalo na may pinaglalaban ka, pare at pagkatapos nilang sumama sa ‘yo, eh, para kang bata na sumurender tapos magso-sorry.

“Hindi kita pine-personal pare, kaya ‘wag mo akong personalin. ‘Yung mga banat ko sa’yo may kinalaman ‘yan sa pinili mong grupo. Magdalo ka ‘ika mo, Katipunero ka ‘ika mo. Kaya ako nagre-react pare kasi ginagamit mo ‘yung Katipunero.

“Kasi kami na wala naman sa gobyerno, magkaiba tayo ‘tol. Kasi ikaw, ginagastos mo, pera ng gobyerno! Kami, pera namin pare ang ginagastos namin para makatulong sa tao bukod pa ‘yung ibinibigay ko sa ‘yong tax ko, bukod doon marami pa akong (natutulungan), hindi ko na iisa-isahin. Gusto ko lang malaman mo na magkaiba tayo.

“Ako, sinusunod ko ang turo ng magulang ko na hindi ko kailangang humingi o magnakaw, pare. Kahit ako si Robinhood pare, hindi pa ako nagnakaw sa buong buhay ko. Lahat ng ipinamigay ko, eh, pinaghirapan ko.

“Ngayon, aminin mo na may kasalanan ka, nag coup d’etat ka, eh. Alam naming lahat. Walang magsasabi na hindi mo ginawa. Ngayon ang punto ko na sinasabi ng batas ngayon, eh, may pagkakasala ka harapin mo, pare!

“‘Yun lang naman ang sinasabi ko, maging magandang halimbawa ka sa taumbayan. Ikaw Senador, Rebolusyonaryo, ‘ika mo, eh, susunod ka! Problema mo harapin mo, huwag mo ng idamay ang buong bansa. Harapin mo ang kasalanan mo. Hindi ‘yan tinatakbuhan. Hindi ka magtatago sa senado. ‘Yan ang parang bata!

“Ordinary citizen ako malaya ako, kumakain ako ng kanin sa labas ng bakuran ko, sinong parang bata ngayon? Ikaw nagtatago ka sa senado ngayon ‘tol? Tapos sasabihin mo, national problem, ikaw pare ang national problem noon pa.

“Ikaw ang problema ng Pilipinas dahil hindi ka ma-control. Panay ang sumpa mo sa Konstitusyon na susundin mo at poproteksiyonan mo pero anong ginagawa mo, pare?

“Ang mutiny ay malaking kasagutan mo ‘yan, pare! Naging senador ka pa! Walang nang-aapi sa ‘yo. Rito sa mundo kailangang harapin mo (kasalanan). Pantay-pantay tayo. Respetuhin natin ang batas pare tulad ng pagrespeto ng ordinaryong tao,” mahabang pahayag ng aktor.

Wala pa ring sagot si Sen. Trillanes tungkol dito at bukas ang pahinang ito para sa kanya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Nadine Lustre

Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto

HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *