JERUSALEM – Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat ng legal na paraan upang maaresto at maibalik sa kulungan si Sen. Antonio Trillanes IV.
Dalawang araw bago nagtungo sa Israel si Pangulong Duterte ay nilagdaan niya ang Proclamation 572 na nagpawalang bisa sa amnestiya para kay Trillanes dahil sa paglabag sa mga kondisyon bago iginawad sa kanya.
“The Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police are ordered to employ all lawful means to apprehend former LTSG Antonio Trillanes so that he can be recommitted to the detention facility where he had been incarcerated for him to stand trial for the crimes he is charged with,” ayon sa Proclamation 572.
Ilan sa mga naging ground ng revocation sa amnesty ni Trillanes ang hindi pagtugon sa requirements na itinatakdang kondisyon sa pagkakaloob ng amnesty.
Halimbawa, ang hindi pag-amin ng kanyang pagiging guilty noong July 2003 Oakwood mutiny, Philippine Marines stand off noong February 2006 at Manila Peninsula siege noong 2007.
Ipinagkaloob ang amnesty kay Trillanes ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong 2010.
ni ROSE NOVENARIO